Default Thumbnail

Telecommunications text blasts

November 25, 2021 People's Tonight 256 views

BABALA! Huwag maniwala sa text na diumano’y nag-aalok ng trabaho. Huwag po magbigay ng personal na impormasyon. Ito po ay isang scam”.

Ito ang panukala ng National Telecommunications Commission (NTC) na dapat i-text blast ng mga telecommunications company upang magabayan ang kani-kanilang mga subscriber.

Sa pamamagitan ni Commissioner Gamaliel Cordova ay inaatasan ang mga Digitel Mobile Phil. Inc; Globe Telecoms; Smart Communications, Inc.; at ang Dito Telecommunity Corp. upang itext ang kani-kanilang mga subscriber na ang ilalagay na sender ay ang National Telecommunications Commission.

Sa naturang direktiba ay pinagalitan ni Commissioner Cordova na ang mga telecompany ay kailangang magsumite ang.mga ito ng compliance report hanggang December 14, 2021.Ipinunto ni Cordova na maging maingat ang publiko hinggil sa spam messages upang huwag mabiktima lalo na sa mga personal informations na hihingin ng scammers sa mga social media.

AUTHOR PROFILE