MPD MPD Dir. PBGen. Leo M. Francisco Team at MPD-SMART sa pamumuno ni PLT.Col. Jhun Ibay na mananatili ang kapayapaan sa Maynila habang patuloy na maglilingkod sa siyudad sina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna kahit sila ay nagpapagaling mulasa COVID. Mga kuha ni JON-JON C. REYES

Team Paco, SMART: Peace, order sa Maynila mananatili

August 16, 2021 Francis Naguit 285 views

PANGUNGUNAHAN nina Manila Police District (MPD) Dir. PBGen.Leo M. Francisco ng Team PACO at ni PLt. Col. Rosalino “Jhun” Ibay Jr., hepe ng Special Mayor’s Reaction Team (SMART) ng Manila City hall ang pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa Lungsod ng Maynila.

Ito ang ipinangako nina Francisco at Ibay matapos magpositibo sa COVID-19 sina Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at Bise Alkalde Dr. Maria Sheila “Honey” Lacuna Pangan noong nakaraang Lingo. Sila ay pareho nang ginagamot sa Sta Ana Hospital.

Sinabi ni General Francisco sa kanyang kapulisan na patuloy mag-ikot 24/7 sa kanilang mga nasasakupang lugar upang ipairal ang IATF health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at face shields at pag-obserba ng social distancing.

Inatasan din nina Francisco at Ibay ang mga station commanders na nagbabantay sa mga border na magsagawa ng COVID-19, partikular na sa mga motorista.

Ang mga lugar na lalong papaigting ang isinasagawang checkpoint ay ang Road 10 sa Tondo na area ng Station,1 at Station 2, ang kahabaan ng Espanya at Quezon Boulevardna area ng Station 3 at Statiom 4 sa Sampaloc Manila,ganun din ang mga manggagaling ng Caloocan, San.juan, Pasig at Madaluyong na nasasakupan din ng Stations 6,7,8,10.

Kabilang din sa checkpoint ang mga magmumula sa Makati,Cavite, Laguna at Batangas kung saan ito ay binabantayan naman ang mga ito ng Station 5 at Station 9, sa Ermita Malate Manila.

Bantay sarado din ang mga mamimili at manininda sa kahabaan ng Divisoria at Juan Luna na nasasakupan naman ng Stations 11 at 12. Maging sa MPD Station 13 ay may mga kapulisan na nagbabantay sa mga borders, partikular sa mga magmumula sa Navotas kung saan sila ay dumadaan sa karagatan gamit ang bangka papuntang Baseco sa Port Area at Parola.

Ang Station 14 naman ay nakabantay sa mga mamamayang Muslim sa Globo de oro at San Miguel sa Quiapo, Manila.

Patuloy sa pagtulong sa mga taga-Maynila ang Special Mayor’s Reaction Team (SMART-MPD) sa pamumuno ni PLT.Col. Jhun Ibay kung saan sila ay pwedeng lapitan kaugnay sa problema sa pang aabuso, panloloko at ibat’ibang klase ng krimen.

Ang mga humihingi ng tulong ay maaaring dumulog sa himpilan ng SMART na matatagpuan sa Manila City hall.

Nagpaabot di ng panalangin si PBGen. Francisco kina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna para sa kanilang mabilisang pag-galing sa COVID-19.

Nagpaabot din ng panalangin sa mabilisang paggaling ni Moreno at Lacuna ang mga empleyado at opisyal sa Manila City hall sina City Administrator Felix Esperitu,Secretary to the Mayor Bernie Ang, Special Assistant to the Mayor Letlet Zarcal, Director ng MSWD Re Fugoso,MTPB Director Dennis Viaje, Chief Operation Wilson Chan, MDRRMO Director Arnel Angeles. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON C. REYES

AUTHOR PROFILE