‘Team Hakot’ takot sa Caravan Challenge!
TAKOT umano ang ‘Team Hakot’ ni Leni Robredo na kasahan ang Caravan Challenge na hamon ng mga tagasuporta ng nangungnang presidential candidate na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.
Ang dahilan, mabubuko na lahat ng mga dumadalo sa mga concert music rally nila ay mga hakot umano para magmukhang maraming tao ang dumadalo sa kanilang mga event.
Sa iba’t-ibang platform ng social media, kabi-kabila ang batikos at puna ang inaabot ngayon ng kampon ng dilawan dahil wala kahit isa sa mga ito ang nagbibigay komento kung bakit hanggang ngayon ay ayaw mag-motorcade nina Robredo.
“Eh kasi alam na nilalangaw ang motorcade nila. Iyong mga taong dumarating sa concert rally nila ay nasa area na mismo dahil mga hakot at bayaran sila. Pero para sabihin mong lumabas sa kalsada para salubungin ang caravan ni Leni, wala silang ganito kasi walang magtyataga na gumitna sa kalye para lang sa kanya,” sabi ni Alona Cantos sa kanyang FB account.
Sinabi ng mga netizens na mahilig din naman lumaban ng paramihan ng ‘crowds’ ang kampon ng dilawan, ang dapat gawin din nila ay lumaban sa paramihan ng tao sa motorcade.
“Dinadaya nila ng lobo at photo shop. Pero sa caravan hindi mo puwedeng dayain kasi organic sila at mga totoong tao na gumigitna sa kalsada,” sabi naman ni Nestor Canete ng San Ildefonso, Bulacan.
Binatikos din ng mga netizens ang pag-imbita ng maraming banda at artista para lamang makapanghikayat ng taong dumarating sa concert rally ni Robredo.
“Hindi naman political rally yun kundi concert rally. Subukan n’yong walang banda at artista iyan baka lalo lang silang langawin,” sabi naman ni Zenaida delos Arcos ng San Pablo City, Laguna.
Sinabi ng mga netizens na kung talagang maraming tao ang dumarating kay Robredo sana ay gawin din ang kanilang concert rally araw-araw.
Hindi katulad aniya ni Marcos na kahit saan magpunta, mula motorcade hanggang rally ay dinudumog ito.
Nabatid na si Robredo maliban sa walang motorcade o umiiwas sa motorcade ay hindi rin basta lumalabas ng stage dahil kahit nasa area na ito ng concert rally, ang ginagawa nito ay magkulong muna sa kotse.