
Taytay VM hinog na para mag-alkalde
HINDI pa natatapos sa kanyang unang termino, kinakitaan na si Taytay Vice Mayor Sophia Priscilla “Pia” Cabral ng potensiyal na maging alkalde ng bayan sa darating na hinaharap.
Ayon sa mga residente, nasubukan na nila ang kababaang loob at makataong paglilingkod ni Cabral sa loob ng tatlong termino niya bilang konsehala.
Ang mga katangian, karanasan at angking talino ni Vice Mayor Cabral ang dahilan kaya’t kumpiyansa ang maraming Taytayenos na magagampanan din nang maayos ng bise alkalde ang pagiging alkalde sa oras na dumating na ang tamang panahon.
Sa ngayon, patuloy ang pamamahagi ni Cabral ng 300 fried chicken sa bawa’t pamilya sa kanilang bayan bilang dagdag na pagkain.
Hindi na bago sa mga mamamayan ng Taytay ang pamilya Cabral na kilala sa pagtulong sa kapwa.
Tanyag sa garment industry ang namayapang ng lolo at lola ni Cabral. Tinaguriang Garments Capital ng Pilipinas ang Taytay.
Bilang presiding officer ng Municipal Council, maayos din niyang nagagabayan ang pagpapasa ng mga ordinansa at resolusyon, pati na ang pag-akto bilang alkalde kapag nasa official leave ang alkalde ng Taytay.
Naging usap-usapan sa naturang bayan ang posibleng pagtakbo ni Cabral bilang alkalde sa hinaharap dahil madalas siyang makitang kasama si Gerald Dequina, na isa umanong eksperto sa politika.