Antipolo

Tayo na sa Antipolo!

September 13, 2022 People's Tonight 139 views

Hindi napigilan ng ulan ang Antipolo City Local Government Unit sa pagbubukas ng bagong Multi-Purpose Building at Child Development Center sa Good Shepherd Ville HOA, Dalig III, Brgy. Dalig kamakailan. Kwento ng Unang Ginang ng lungsod na si dating Mayor Andrea “Andeng” Ynares (pangalawa mula sa kaliwa), natandaan pa niya nang mag-site inspection sila para sa planong pagtatayo ng day care center.

Ngayon, naisakatuparan na ito

Pinangunahan ng Unang Ginang ang ribbon cutting ceremony para sa pagbubukas nito. Umaasa din si dating Mayora AndengYnares, na gagamitin ito ng mga tsikiting ng Brgy. Dalig, para sa kanilang balik-eskwela. Tiniyak din ni Mayora Andeng na ang day care center ay isang ligtas na “place of learning” at “kid-friendly.”

Ibig sabihin, habang nag-eenjoy sila at natututo, masisisiguro din ang seguridad at kaligtasan ng mga bata sa kanilang day care center.

AUTHOR PROFILE