Taylor Swift in-endorso si Kamala Harris
MALAKING tulong ang personal endorsement ng American pop superstar at phenomental country-pop singer-songwriter, hitmaker, performer, entrepreneur at influencer na si Taylor Shift sa U.S. Presidential aspirant na si Kamala Harris, ang kasalukuyang Vice President (ni Pres. Joe Biden) ng Democratic party.
Agad nagpahayag si Taylor Swift ng kanyang all-out support sa kandidatura ni US Vice-President Kamala Harris at ka-tandem nitong si Toni Walz matapos mapanood ng pop superstar ang presidential debate sa pagitan ng dating US President Donald Trump (na muling tumatakbo sa pagka-presidente under Republican Party) at US VP Harris last September 10, 2024.
“I’m voting for @kamalaharris because she fights for the rights and causes I believe need a warrior to champion them,” post nito sa kanyang IG account.
Sa loob lamang ng 24 matapos ng kanyang announcement ay halos 340,000 tao ang bumisita agad sa voter registration website, vote.gov, gamit ang custom link created and shared by Swift.
Sinuportahan din ni Swift ang kandidatura nung 2020 sa pagkapangulo ng nakaupong US President Joe Biden in 2020.
Tinawag ni Swift si Kamala Harris as “steady-handed and gifted leader”.
Ang post ni Swift ay sinamahan niya ng litrato kasama ang kanyang alagang pusa.
“Like many of you, I watched the debate tonight, if you haven’t already, now is a great time to do your research on the issues at had and the stances these candidates take on the topics that matter to you the most. As a voter, I make sure to watch and read everything I can about their proposed policies and plans for this country,” part ng kanyang mensahe.
“Recently I was made aware that AI of `me’ falsely endorsing Donald Trump’s presidential run was posted to his site. It really conjured up my fears about AI, and the dangers of spreading misinformation. It brought me to the conclusion that I need to be very transparent about my actual plans for this election as a voter. The simplest way to combat misinformation is with the truth,” aniya.
“I will be casting my vote for Kamala Harris and Tim Walz in the 2024 Presidential Election. I’m voting for @kamalaharris because she fights for the rights and causes I believe we need a warrior to champion them. I think she is steady-handed, gifted leader and I believe we can accomplish so much more in this country if we are led by calm and not chaos. I was so heartened and impressed by her selection of running mate @timwalz, who has been standing up for LGBTQ+ rights, IVF, and a woman’s rights to her town body for decades,” dugtong pa niya.
“I’ve done my research, and I’ve made my choice. Your research is all yours to do, and the choice is yours to make. I also want to say, especially to first time voters: Remember that in order to vote, you have to be registered! I also find it’s much easier to vote early. I’ll link where to register and find early voting dates and info in my story.
With love and hope,
Taylor Swift
Childless Cat Lady”
Dahil sa endorsement ng phenomenal star na si Taylor Swift sa tandem nina Kamala Harris at Toni Walz, tiyak na kabado ngayon ang kampo ni Donald Trump na naglabas ng fake news na ito umano ang ini-endorse ng American pop superstar.
Ito ngayon ang disadvantage ng AI (artificial intelligence) na nagagamit sa masamang paraan laluna sa panahon ng election.
Bukod sa nakaupong Presidente ng Amerika na si Pres. Joe Biden, naka-suporta rin sa Harris-Walz tandem ang dating US President na si Barack Obama, ang American actor-filmmaker na si George Clooney, ang singer, songwriter at actress na si Olivia Rodrigo, ang American singer-songwriter, record producer and actor na si John Legend, ang American film director, producer, screenwriter, actor at author na si Shelton Jackson `Spike’ Lee at marami pang iba. Pero sa endorsement alone ni Taylor Swift ay sobrang napakalaking tulong na ito sa tandem nina Harris at Walz sa pagka-President at Vice-President ng Amerika.
Precy proud sa flower making business ni Jolo
PROUD mom si Precy Vitug-Ejercito, maybahay ni Sen. Jinggoy Estrada sa kanilang second child and son at actor na si Jolo Estrada (Ejercito) sa bago nitong business na itinayo na flower-making business.
“You definitely know how to brightern up my day and how to make your mama happy!!!,” simulang message ni Precy sa kanyang FB account.
“THANK YOU for the beautiful flowers Jolo, for your love & thoughtfulness! (heart emoji).
“I’m so excited for you as you begin with your new flower making business. Your passion and creativity will surely blossom and I can’t wait to see all the wonderful things you create!
Wishing you all the success in this new adventure anak! Good luck.
I LOVE YOU!,” dagdag na mensahe ng proud mom na si Precy.
Ang mag-asawang Sen. Jinggoy at Precy ay may apat na anak na sina Janella, Jolo, Julian at Jill. Sa apat, sina Jolo at Julian ang sumunod sa yapak ng kanilang lolo na si dating Pangulong Joseph `Erap’ Estrada at namayapa nitong kapatid na si George Estregan, his father Sen. Jinggoy Estrada, his uncles na sina E.R. Ejercito, Gary Estrada at mga pinsan na sina Jake Ejercito at Kiko Estrada habang si Janella naman sa larangan ng pulitika at public service.
Ji Soo umaasang babalik ang kinang sa Pilipinas
KILALA ang South Korea sa may pinakamaraming celebrities na nag-commit ng suicide na may iba’t ibang kadahilanan at kasama na rito ang bullying and bashing na ang pinaka-latest ay ang actor na si See Sun-kyun (48) ng Oscar-winning film na “Parasite” at marami sa mga ito ay in their mid-20s or 30s lang.
Pero sa case ng 31-year-old Korean actor na si Kim Ji-soo or Ji Soo as he is popularly known ay minabuti nitong mag-relocate sa Pilipinas and try his luck here nang ito’y `mawalan’ ng career sa South Korea dahil lamang sa bashing controversy na may kinalaman umano sa kanyang pagiging bully nung ito’y nag-aaral pa. Although naayos ito ni Ji Soo ay hindi na nito naibalik ang sigla ng kanyang career in South Korea matapos siyang bitawan ng kanyang talent management company at hindi na rin makatanggap ng TV and movie offers. Ang last project niya ay ang TV series na “River Where the Moon Rises” at ito’y hindi na nasundan ng iba pa. Ito marahil ang dahilan kung bakit niya piniling mag-relocate sa Pilipinas at subukan ang kanyang career dito.
It was last month when he was signed up by Sparkle GMA Artist Center. Prior to this ay nakita siyang dumalo sa star-studded event ng 2024 GMA Gala Night at kasunod na rito ang kanyang guest appearance sa top-rating and long-running afternoon TV series na “Aboy-Kamay na Pangarap” at sa nagtapos na action-drama series na “Black Rider” na pinagbidahan ni Ruru Madrid.
Ngayong nasa bakuran na ng GMA si Ji Soo, umaasa ito na muling mare-resurrect ang kanyang career na nabahiran ng kontrobersiya sa South Korea.
Daniel nasa Italy para mag-shoot ng bagong TV series
WALA ang Kapamilya matinee idol na si Daniel Padilla sa birthday celebration ng kanyang `Tita’ na si BB Gandanghari hosted by couple Sen. Robin Padilla and Mariel Rodriguez for her.
Si Daniel ay kasalukuyang nasa Italy along with his “Incognito” co-stars na sina Richrd Gutierrez and Ian Veneracion para mag-shoot sa nasabing bansa for their upcoming action-drama series.
Ang “Incognito” ang first TV series ni Daniel matapos ang kanilang much-celebrated break-up ng kanyang dating kasintahan (of 11 years), ang Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo nung November 2023.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” for notification. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.