Default Thumbnail

Taxi driver timbog sa ‘sexual assault’

January 31, 2023 Jonjon Reyes 311 views

PASOK sa selda ang isang 52-anyos na taxi driver, makaraang maakusahan sa paglabag sa kasong “sexual assault” nang isilbi ang arrest warrant sa kanyang bahay sa Muñoz Street, Singalong, Maynila, Lunes ng hapon.

Kinilala ang suspek sa alyas “Ferds,” may asawa, ng Singalong, Maynila.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Col. Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District (MPD) Malate Police Station (PS) 9, pasado alas 5:15 ng hapon (Enero 30), nang isilbi ang warrant of arrest sa suspek sa kanyang tahanan.

Pinangunahan ni P/Capt. Josephus Melpaz, hepe ng Station Warrant and Subpoena Section ng PS 9, kasama ang mga tauhan nito sa pagdakip sa suspek.

Ang arrest warrant ay inisyu ni Presiding Judge Cecilyn E. Burgos-Villavert ng Regional Trial Court Branch 89 ng Lungsod ng Quezon na may petsang Enero 23, 2023 dahil sa nasabing kaso sa ilalim ng Article 266-A (2) in Relation to Section 5(B) of Republic Act 7610 (Child Abuse Law) na may inirekomendang piyansang P200,000.

Ayon kay Tangdol, dahil sa patuloy na pinaiiral ang “Oplan Galugad” at ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) na programa ni “The Game Changer General” P/Brigadier Gen. Andre P. Dizon, direktor ng MPD.

AUTHOR PROFILE