Patay Inimbestigahan ng mga operatiba ng Scene Of the Crime Operatives ang biktima na si Danilo Pagnanawon, 59, na pinaslang ng di pa kilalang mga suspek sa Roxas Boulevard Sabado ng hapon.

Taxi driver pinatay sa Roxas Boulevard

August 28, 2021 Francis Naguit 608 views

DEAD on the spot ang isang taxi driver matapos barilin ng di pa nakikilalang suspek Sabado ng hapon sa kahabaan ng Roxas Blvd, Ermita, Manila.

Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa biktima habang nagpapahinga ito sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Kinilala ang biktima na si Danilo Pagnanawon, 59, nakatira sa Valenzuela City.

Pasado alas 2 ng hapon nang mangyari ang nasabing insidente,.

Sinisayasat naman ng mga operatiba ng MPD SOCO ang iba pang pagkakakilanlan ng biktima bago ito dinala ng Funeraria Cruz. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON C. REYES

AUTHOR PROFILE