Crime

Taxi driver binaril sa mukha, patay

August 20, 2023 Melnie Ragasa-limena 247 views

DEAD on the spot ang isang taxi driver matapos barilin sa mukha ng hindi pa nakikilalang suspek Biyernes ng gabi sa Quezon City.

Duguan at nakabulagta sa tabi mismo ng kaniyang taxi ang biktimang si Petronilo Paderna Jr., 53, ng Sta. Ana, Manila.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nangyari ang insidente pasado alas-6 ng gabi noong Agosto 18.

Ayon sa isang testigo, naglalakad siya malapit sa Commonwealth market nang makarinig siya ng isang putok ng baril.

Makalipas ang ilang minuto, napansin niya ang isang lalaki na nakabulagta sa tabi ng isang taxi.