Default Thumbnail

Tax exemption sa senior citizens hiling ni Navotas Rep. Toby Tiangco

February 4, 2023 Marlon Purification 281 views

Marlon PurificationNAGHAIN ng panukalang batas si Navotas Rep. Toby Tiangco upang bigyan ng tax exemptions ang lahat ng senior citizens sa bansa.

“Majority of Filipino senior citizens do not have financial security. The pension and benefits they receive upon retirement are not enough to sustain their basic needs. Some even do not have a retirement plan at all,” ani Tiangco.

Sa kasalukuyang Republic Act No. 9994, ang binibigyan lamang ng tax exmption ay mga senior citizens na nasa ilalim ng tinatawag na minimum wage earners.

Dahil dito, nais ni Tiangco na dapat lahat ng ‘income bracket’ ay sakot na para bigyan ng exemption sa pagbabayad ng buwis ang mga seniors sa bansa.

Nakasaad ito sa kanyang House Bill No. 6891 na inihain sa Mababang Kapulungan kamakailan.

“Through this measure, we seek to provide a way to somehow ease the burden of our elderly and help them cover their current and future expenses,” sabi pa ng magaling na mambabatas at isa ring dating alkalde sa kanilang lungsod.

Nabatid sa ginawang pag-aaral na mahigit sa 800,000 Pinoy na may edad 60 pataas ay nabubuhay ng mababa sa ‘poverty threshold’ na P71 kada araw.

“We want to help improve the quality of life of our seniors. This, in effect, could maximize their contribution to nation building,” sabi pa pa niya.

Sa ganang akin, napakagandang hakbang na ito.

Marami tayong kilalang mga senior citizens na umaasa na lang sa pension ng mga namatay nilang asawa na kakarampot na nga ay nababawasan pa dahil sa ikinakaltas sa kanilang buwis.

Panahon naman siguro na sa malapit na pagtakip silim ng kanilang buhay ay mabigyan sila ng kaaya-ayang sitwasyon sa bansa at naniniwala tayong ang tax exemption para sa kanila ay malaking bagay na!

Sana ay bigyang suporta ito ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso sa lalong madaling panahon.