
Tattoo na singsing, pamalit sa nawalang wedding ring ni Ice
Nakumbinsi ni Ice Seguerra ang misis na si Liza Dino na magpa-tattoo bilang selebrasyon ng kanilang wedding anniversary.
Sa Instagram ay ibinahagi ni Ice ang video ng reaksyon ni Liza habang nagpapalagay ng tattoo with matching background music na “Arayyy” ni Mae Rivera.
Mapapanood ngang napapangiwi at napapasigaw sa sakit si Liza pero kita rin naman na happy siya.
Singsing ang tattoo na ipinalagay ng mag-asawa dahil paliwanag ni Ice, naiwala niya ang kanilang wedding ring.
“I lost my wedding ring sometime last year during a beach trip. Pag akyat ko ng bangka, ayun, nadulas siya at tuluyan nang namaalam.
Sinubukan kong sisirin kaso nasa blue pa kami, medyo palubog na rin yung araw at wala akong torch.
“Sobrang sakit nun sa akin dahil never ko yun tinanggal. Iniisip ko kung paano ko sasabihin sa asawa ko, nasa ibang bansa siya noon kaya di kami magkasama. I knew she’d feel bad. Asar talo pa ako sa mga kaibigan ko,” kwento ng singer sa caption.
“When I told @lizadino, she never made me feel bad about it. Sobrang lalo ko siyang na appreciate. Kaya sabi ko, ayoko na ng singing na pwedeng matanggal or ma-misplace. Dahil habangbuhay naman kaming magkasama, I wanted something permanent,” patuloy niya.
Kaya sa kanilang 9th wedding anniversary just recently, naisip niya na magpa-tattoo sila.
“We recently celebrated our 9th wedding anniversary. I got sick so we weren’t able to celebrate it the way we wanted to. Kaya heto, we’re belatedly celebrating it by getting tatted!!!” aniya.
Isa pa lang daw ang tattoo ni Liza dahil wala raw itong hilig at kahit anon’g pilit niya ay ayaw na raw magpalagay pa. Kaya naman masayang-masaya siya nang pumayag na this time ang misis.
“Liza is the exact opposite when it comes to tattoos. Isa lang ang tattoo niya, at yun ay dahil napagod siyang umakyat ng ilang bundok para mag interview kay Apo Whang-od, and it was Apo’s 100th birthday! Pero after nun, kahit ilang pilit ko, ayaw na niya. But she said yes to me this time around. And I am the happiest!!!” ani Ice.
“Thank you, mahal ko, for indulging me. This is the best gift ever!!! I love you so much!!! I appreciate and adore you so much more!” ang pasasalamat ng singer sa asawa.