Posas

Tattoo artist timbog sa subok sunog

December 15, 2023 Jonjon Reyes 125 views

BINITBIT ng mga operatiba ng Intel and Warrant Section ng Manila Police District (MPD)-Ermita Police Station 5 ang isang 46-anyos na tattoo artist dahil sa tangkang panununog sa Natividad Lopez St., Ermita, Manila noong Huwebes.

Batay sa report ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, station commander, bandang ala-1:25 ng hapon nang maaresto ang suspek na si alyas Onin ng SH Loyola St., Sampaloc, Maynila.

Inaresto ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 19 ng Maynila.

AUTHOR PROFILE