Daniel

Tatay panis daw sa pag-a-action ni Daniel

November 30, 2024 Vinia Vivar 68 views

Sumabak na rin sa action si Daniel Padilla at sinundan na ang mga yapak ng kanyang angkan.

As we all know, DJ comes from a family of action stars kabilang na nga ang kanyang amang si Rommel Padilla at tiyuhin na si Robin Padilla.

Si Daniel ay isa sa mga bida ng bagong action drama series ng Star Creatives at ABS-CBN na “Incognito” along with Richard Gutierrerz and Ian Veneracion.

Sa grand mediacon last Friday sa Dolphy Theater ay natanong nga si DJ kung may pressure ba sa kanya ngayong action star na rin siya just like his father and uncles.

“Wala naman silang binibigay na pressure sa ‘kin. Wala rin akong nararamdaman na kaba or anuman. Hindi ko alam, eh. Pero I’m just doing my best, ‘yun lang. Kung ano ang kalabasan no’n, eh, di that’s it, you know.

“Basta I’m doing my best and I’m proud sa mga nagagawa naming lahat as a group. Sa trailer pa lang, excited na ‘ko,” sey ni DJ.

Pagbibiro ng aktor, panis ang kanyang amang si Rommel sa kanyang mga ginawa sa serye.

“Parang excited na akong ipakita sa erpat ko ‘to. Parang panis siya sa ‘kin,” sey niya sabay-tawa.

Pero bawi niya, “Joke lang.”

Pahabol pa ni DJ, magkakaiba naman sila ng timpla bilang action star.

“Iba-iba naman ang timpla namin, eh. Magaling si Tito Robin, mahusay siyempre, ‘di ba? Ang tatay ko, nandu’n din, ang mga tito ko, pero iba-iba naman kami ng timpla.

“Tingnan natin kung ano naman ang maio-offer ko,” ani DJ.

Aminado siya na ibang-iba ang action kesa sa romantic-comedy projects na ginawa niya dati pero nag-enjoy daw siya doing his action scenes in ‘Incognito.’

“Siyempre, it’s very different. Pero iba rin ‘to, ito kasi, may action. Talagang simula magsimula ang araw mo, adrenaline rush na ‘yun hanggang gabi.

“So, pagkadating mo sa hotel mo, very fulfilling din. Kasi may mga stunts din na hindi madadali. Pero ‘pag nagawa namin ‘yun, it’s very fulfilling,” aniya.

“Siyempre, kahit papaano, it’s still very new for me, pero masaya. Ah, matagal-tagal ko ring gagawin ‘to,” dagdag pa ni DJ.

Ang “Incognito” ay isa sa malalaking pasabog ng ABS-CBN sa 2025.

Magsisimula itong mapanood sa Netflix sa Jan. 17, 2025 at ipapalabas sa ibang Kapamilya platforms including iWantTFC on January 18, Kapamilya Channel, Jeepney TV, TV5 and A2Z on January 20, 2025.

Mula sa direksyon ni Lester Pimentel, kasama rin sa powerhouse cast sina Baron Geisler, Kaila Estrada, Maris Racal at Anthony Jennings.

AUTHOR PROFILE