Denjen

Tatay ng anak ni Win, nananatili sa ‘dilim’

May 2, 2022 Jun Nardo 165 views

ISINILANG na ni Winwyn Marquez ang unang anak na babae kamakailan.

Ipinakita ni Win ang anak sa isang post sa Instagram na may caption na, “Our little princess, Luna Teresita Rayn.”

Yes, Rayn at hindi Marquez ang gamit na surname ng anak ni Joey Marquez.

So, “Rayn” ang apelyido ng tatay ng bata? Ganoon ba ‘yon, Ian F.?

Hayaan na lang natin ang trip ni Win kung gusto niyang nasa dilim pa rin ang tatay ng anak.

Hindi naman siya nag-iisa sa ganyang sitwasyon, huh!

DENJEN, ’DI READY SA PAGLABAS NG BABY

ANG isa pang Kapuso actress na nanganak na rin ay si Jennylyn Mercado.

Yes, lumabas na ang baby girl ni Jen at asawang si Dennis Trillo.

Sa latest vlog ni Jen, ipinasilip muna niya ang inayos na nursery room ng anak.

Pero sa bandang huli ng video, hayun at nasa delivery room na sila ni Dennis.

“Hindi pa kami ready,” sambit ni Jen.

Kapwa lalaki ang mga naging unang anak nina Jen at Dennis.

Congratulations!

QUARANTINE EMOTE

INILABAS ng Kapuso actor na si Ken Chan ang feeling niya noong quarantine sa bago niyang single na Quranfling.

“Hindi lang ako nakaranas ng ganyang feeling noong COVID 19 days. Kaya masaya ako at nakaisip ng ganitong konsepto ang GMA Music,” sey ni Ken.

Samantala, tuloy pa rin ang GMA-Regal Enetrtainment collab na Mano Po Legacy: Her Big Boss ni Ken kapareha si Bianca Umali.

AUTHOR PROFILE