Ruru

Taping ng ‘Lolong,’ made-delay sa pagkaka-aksidente ni Ruru

March 9, 2022 Vinia Vivar 478 views

Naaksidente si Ruru Madrid habang ginagawa ang isang stunt para sa kanyang bagong adventure series sa GMA-7 na Lolong. Na-out of balance raw ang aktor at nagka-fracture sa kanang paa.

Ipinost ni Ruru sa kanyang Instagram ang ilang mga larawan at doon ay makikitang sumisigaw siya sa sakit dahil sa tinamong aksidente sa paa.

Makikita rin na nakasaklay siya at in-advise ng doktor ng ilang linggong pahinga kaya tigil muna ang taping ng Lolong.

“I had a minor accident a couple of days ago while taping for our upcoming show… As per the doctor’s advice, this hairline fracture requires a cast and 2-4 weeks rest. It’s unfortunate that we are packing up for now and resuming in about a month… Sad news.. but as a person who always tries to see the good in unfortunate situations, I guess I just need to remind myself that everything happens for a reason.

“Salamat po sa lahat ng nagbigay ng panalangin, pagmamahal at suporta sakin. Mahal ko kayo,” pahayag ni Ruru.

Sa panayam sa aktor ni Nelson Canlas ng 24 Oras, aniya ay napataas ang talon niya at pagbagsak niya ay napatabingi ang kanyang paa.

“Medyo nag-alangan ako kasi parang gusto ko pang i-perfect ’yung scene. Medyo nakulangan sa taas ng talon ko so sabi ko, ‘In this take, tataasan ko na siya.’

“Habang ginagawa ko siya, nagulat ako do’n sa sarili ko na gano’n kataas ’yung take off ko kaya pagbagsak ko, unexpected nabigla kong na-twist ’yung right foot ko,” kwento ni Ruru.

Sa sobrang sakit ay hindi raw niya kinayang makatayo pa. Mabuti na nga lang daw at may nakaabantay na medical team sa set.

“Good thing na ‘yung medic namin dito sa set namin, mabilis silang rumesponde. Nandu’n sila lagi sa set, naka-ready sila,” he said.

Isinugod si Ruru sa pinakamalapit na ospital at doon nga nakita na nagkaroon siya ng fracture sa paa at kinailangang magpahinga ng two-six weeks.

Ikinalungkot ito ni Ruru dahil six days na lang sana at matatapos na sila sa lock-in taping ng Lolong.

“To be honest, I am very sad. Ayoko po kasi ng because of me, made-delay po ‘yung trabaho. But hindi naman po ‘yun pinaramdam sa akin ng mga tao po rito sa set,” sey niya.

Ayon sa aktor ay gagawin niya lahat para mapabilis ang kanyang recovery para makapag-resume na rin agad ng lock-in taping.

AUTHOR PROFILE