Kylie

Tapatan nina Kylie at Ina sa ‘Bolera,’ humataw sa ratings

July 14, 2022 Ian F. Fariñas 304 views

Tinutukan ng Kapuso viewers ang paghaharap nina Joni (Kylie Padilla) at White Lotus (Ina Raymundo) sa Bolera.

Ayon sa National Urban TV audience measurement (NUTAM) overnight ratings ng Nielsen Philippines para sa July 8, nakapagtala ng combined people rating na 15.3 percent ang naging paghaharap ng dalawa sa pag-ere nito sa GMA at GTV.

Mas mataas ito sa 2 Good 2 Be True na nakakuha lang ng combined people rating na 6.5 percent sa pag-ere nito sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Cinemo at Jeepney TV.

Nag-trending din sa social media ang post-episode forum clip ng laban nina Joni at White Lotus, “That was a great episode with White Lotus. Very positive approach to a competitive sport like billiards. Well done GMA,” comment ng isang netizen sa Facebook.

Sino kaya ang susunod na makakalaban ni Joni?

’Yan ang dapat abangan sa Bolera, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Lolong sa GMA Telebabad.

Happy time at mga papremyo, hatid ng ‘TiktoClock’

Humanda nang tumawa at manalo ng mga papremyo sa bago at original countdown variety show ng GMA Network, ang TiktoClock.

Magpapaulan ng saya at sorpresa ang newest morning TikTropa na sina Pokwang, Kuya Kim Atienza, at Rabiya Mateo sa Kapuso viewers.

Tampok sa TiktoClock ang iba’t ibang palaro, sayawan at kantahan na mas pina-intense ng giant clock. Sa show, bawat minuto ay mahalaga. Bawat countdown, may panibagong aabangan. Pwede ring manalo ng cash at gift prizes ang studio audience at home viewers.

Tutukan ang pag-arangkada ng TiktoClock sa Hulyo 25, Lunes hanggang Biyernes, 11:15 ng umaga sa GMA-7.

AUTHOR PROFILE