Chiong Si NAIA General Manager Cesar Chiong habang personal na ibinibigay ang ‘Certificate of Recognition’ kay Nelson Palo bilang ‘tapat’ na janitor ng airport. Photo courtesy of NAIA

Tapat na janitor ng NAIA kinilala

August 12, 2022 Jun I. Legaspi 408 views

KINILALA ng liderato ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang ipinakitang “katapatan” ni Nelson Palo, ang contractual janitor ng nasabing paliparan.

Personal na pinasalamatan at iniabot ni NAIA General Manager Cesar Chiong ang “Certificate of Recognition” kay Palo sa isang simpleng programa sa NAIA.

Gayundin ang outsourcing company na pinapasukan ni Palo ay nagpaabot ng personal pasasalamat kay Palo sa katapatan na ipinakita nito.

Ayon kay Chiong, bagamat si Palo ay hindi direktang empleyado ng NAIA, itinuturing nila itong “kapamilya” na dapat pamarisan ang katapatan ng lahat ng nagtratrabaho sa NAIA outsourcing man o direktang connected sa airport.

Ayon pa kay GM Chiong ipinagmamalaki ng NAIA si Palo dahil sa katapatan na ipinakita nito ay hinikayat itong ipagpapatuloy ang pagiging tapat sa kabila na minimal lamang ang kinikita nito sa pagiging isang contractual janitor.

Si Palo ay naglilinis sa arrival area ng Immigration ng makita nito ang white envelope na puno ng cash at importanteng mga papeles.

Hindi nagdalawang isip si Palo at agad na isinumite ito sa NAIA Termianl 1, Airport Police-Lost and Found (NAIA T1 APD-LF).

Makalipas ang ilang araw ay kinuha na ito ng may-ari na isang Japanese national, sa tulong na rin ng NAIA T1 APD-LF.

AUTHOR PROFILE