Kris

Tampuhang Josh at Bimby, ibinuking ni Kris

May 27, 2021 Ian F. Fariñas 331 views

MAHABA ang naging post ni Kris Aquino sa Instagram kahapon tungkol sa pamamaalam nila ng bunsong si Bimby sa panganay niyang si Joshua na aniya’y nagdesisyon nang manatili sa Tarlac.

Sa nasabing IG post, makikita sa isang tight hug ang mag-iina.

Caption ni Kris, “Namili na si kuya josh, gusto na nya talagang tumira sa Alto (our family compound) in what he calls ‘lola’s house,’ in Tarlac… malapit na ang birthday ng panganay ko (June 4), through my cousin, ate @celdasanwe reached out to Gov Susan Yap. Nag prepare kami ng 800 grocery bags (thank you for helping me with my order Puregold and UniPak) that kuya josh will turn over to Gov Susan to share w/ families she feels will benefit most from his birthday outreach.

“The 3 of us said our goodbyes yesterday afternoon… Pabalik na kami ni Bimb to our serviced residence while the condo we’ll be leasing is being readied.

“We are not a perfect family, nagka mahabang tampuhan yung 2 boys BUT nakuha talaga sa dasal, pasensya, at pagmamahal — finally kahapon naramdaman kong nabalik na yung dating higpit ng yakapan at kulitan/lambingan nung dalawa.

“i can share that story because it’s about my sons & me… my family is not just limited to my 2 boys, alam nyo how important my sisters & brother are to me, BUT they value their privacy and i totally respect that i can share my life but not our lives.

“In time i hope i can tell you more because you deserve to know why i have so much more to learn & do to be worthy not only of being the daughter of my parents BUT to earn the privilege of being ‘bunso,’ (tawag nya sa ’kin fondly or ’pag umiiling na lang) of the most humble, trustworthy, capable, dignified, and morally upright man i am so blessed to have as my brother.

“Uunahan ko na — bago lagyan ng kulay pulitika at mag wild na naman ang trolls — i am writing this because of LOVE. Kailan ba naging masama mahalin ang mga anak at kapatid mo? Sa dami ng toxic na negativity ngayon hindi masama na mag share ako na bilang pamilya, BUO, may respeto, at nagmamahalan kami.

i have said repeatedly — i am not interested in politics now. BUT it is my right to protect our family’s name & honor.

Sabi nga ni Avril Lavigne from her song WARRIOR: i pick my battles because i know i’m gonna win the war.

Girl talk nina Jayda at Francine, nauwi sa ‘M.U.’

JaydaPORMAL nang ipinakilala si Jayda Avanzado bilang pinakabagong contract artist ng Star Magic at Rise Artists Studio.

Sa virtual mediacon, naikwento ng dalaga nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza ang tungkol sa bago niyang single, M.U. o Malabong Usapan, na siya mismo ang nag-compose, nag-co-produce at nag-co-direct ng official music video tampok ang matalik na kaibigang si Francine Diaz.

Patuloy ni Jayda, malaki ang kinalaman ni Francine sa pagkakabuo ng nasabing awitin.

Nabuo raw ang konsepto nito during the pandemic habang nag-uusap sila ni Francine.

“Nagbibiruan kami ng mga gusto at ayaw namin sa isang relasyon. Nag-joke ako, nagsabi ako, ’yang mga M.U. na ’yan, kasi ’yung M.U., talagang ibig sabihin nu’n dito sa Pilipinas, it means ‘mutual understanding.’ Pero ako, sinabi ko sa kanya, hindi ’yan ‘mutual understanding,’ ‘malalabong usapan’ ’yan. Kaya, biglang nagkaroon ako ng light bulb moment and that’s what motivated me to write this song. Tapos medyo inupuan ko nang konti ’yung idea and then sinumulan ko sa gitara…

“Honestly, sa akin talaga, ganu’n nagsimula ’yon, Alam mo na kaming mga babae, girl talk. Ganu’n kami ni Francine, na I would say na we can talk abt anything. Pati ’yung mga seryosong matter na ganyan, alam namin pareho kung ano ’yung gusto namin,” patuloy ni Jayda.

Doon din daw nila na-realize na bilang magkaibigan, sila ni Francine “were aways looking out for each other.”

Nakatulong din ni Jayda sa pop-infused M.U. ang dad niyang si Dingdong na una niyang nakatrabaho sa naunang single na Paano Kung Naging Tayo?

“Honestly, kahit dati pa talaga, my dad has always been my co-writer. Siya ’yung gumagabay sa akin sa Tagalog ‘coz I grew up in America.

Writing in Tagalog would mean challenging myself to grow. But itong M.U., iba ito sa usually ginagawa namin na hugot songs,” ani Jayda.

May 17 lumabas ang official music video ng M.U. at sa June 26, nakatakda naman ang first major concert ni Jayda na may re-run sa June 27 sa KTX.ph, iWanTTFC at TFC IPTV.

Bukod sa recording at concerts, parte rin si Jayda ng ASAP Natin ’To, We Rise Together at iba pang upcoming projects ng ABS-CBN at ABS-CBN Films.

Samantala, ang M.U. ay available na sa iba’t ibang digital music platforms.

AUTHOR PROFILE