Tambay ‘nang-manyak’ ng dalagita arestado!

November 29, 2021 Francis Naguit 101 views

ISANG umano’y tambay ang timbog matapos umanong tangkaing hubarin ang shorts ng isang natutulog na dalagita madaling araw ng Sabado sa Felix Huertas St., Sta.Cruz, Manila.

Nakilala ang suspek na si Benjie Villasin, 29, anyos, binata, jobless ng Felix Huertas St.

Ayon sa ulat ni P/ Lt.Col. John Guiagui, Manila Police District- Station 3, bandang 1 a.m. nang mangyari ang insidente. Nagising ang biktima nang maramdaman niyang hinuhubaran siya kaya’t lumabas ito at nagsisigaw, na naging dahilan para sumaklolo ang kanyang ina.

Binitbit si Villalin sa Alvarez PCP at itinuro ng dalagita na siyang nagmolestiya sa kanya.

Matapos maipa blotter sa PCP ang suspek ay itinurn over sa presinto. Si P/SMS Alminia Mirabella Galan, may hawak ng kaso, ang nag ayos ng dokumento para isampa ang kasong paglabag sa Republic Act 8353 (rape) at R.A 7610 (child abuse law) laban sa suspek. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE