Posas

Tambay na may patalim timbog sa Maynila

October 12, 2023 Jonjon Reyes 214 views

ARESTADO sa mga operatiba ng Intelligence Section ng Barbosa Police Station 14 ng Manila Police District (MPD) ang isang 29-anyos na tambay na lalaki dahil sa pananakot habang gumagala habang may hawak na patalim sa P. Noval St. malapit sa panulukan ng Delos Reyes St. sa Sampaloc, Manila.

Timbog ang lalaki na kinilalang si alyas Erwin ng Leandro Ibarra St., Brgy., 35, Tondo, Maynila sa mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Brillante Billaoac, station commander.

Sa pangunguna nina Police Corporals Kimberly Gammaru at Melchor Babaran Jr. natimbog ang suspek.

Nalaman na nananakot ang suspek nang makatanggap ng tawag ang mga pulis tungkol sa armadong lalaki na namataan na gumagala sa naturang lugar.

Nakumpiska sa lalaki ang isang mahabang patalim.

Ayon kay Billaoac, napigilan ang anumang posibleng krimen na gagawin ng suspek.

AUTHOR PROFILE