
Tambay isinelda dahil sa droga
ISANG 37-anyos na tambay ang isinelda ng mga operatiba ng Manila Police District – Jose Abad Santos Police Station 7, dahil umano sa iligal na droga sa Maliklik Street, Tondo, Manila, Sabado ng hapon.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jonathan Villamor, station commander, ang suspek na si Rolando De Leon ,binata at residente ng Maliklik Street , Tondo.
Base sa ulat ni Police Major Manuel Calleja, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), nagsasagawa sila ng Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation ( SACLEO) sa kanilang area of responsibility bandang 1:15 p.m. nang mamataan ng isa nitong tauhan na si Police Master Sargent Rex Mendoza ang nakatambay na lalaki na tila balisa.
Nakitaan umano ang suspek ng hinihinalang shabu na nasa plastic sachet na tumitimbang ng lima gramo katumbas ng halagang P34,000.
Pina-medical checkup ang suspek bago dinala sa nasabing presinto
Isinailalim sa dokumento ng pag aresto ang suspek ni Police Corporal Ronald Dolz.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165.