Tambay grinipuhan

April 11, 2022 Jonjon Reyes 98 views

INOOBSERBAHAN sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isang 38-anyos na tambay, makaraang saksakin habang bumibili ng sigarilyo sa Tondo , Manila madaling araw nitong Lunes Santo.

Nakilala ang biktimang si Edmundo Salvador, binata, ng 1283 Mithi St.,Brgy. 41,Tondo.

Hindi na nagawang makatakas ang suspek na si Shellan Basilides, 29, binata, ng 43 Sto Niño St., Brgy. 107, Tondo.

Base sa ulat ni P/ Lt.Aldeen Legaspi , Block Commander ng Manila Police District- Don Bosco Police Community Precinct ng Station 1, bandang 3:40 a.m. nang makatanggap ng tawag mula sa isang concern Citizen na may naganap na saksakan sa Brgy 107 sa Tondo.

Sa report ng pulisya, dakong 2:50 a.m. naglalakad sa Sto.Niño St., sakop ng Brgy.107 si Salvador para bumili ng sigarilyo, nang naundayan ito ng saksak.

AUTHOR PROFILE