Default Thumbnail

Tambay dedo sa pamamaril sa Tondo

February 6, 2023 Jonjon Reyes 428 views

ISANG 41-anyos na lalaki ang pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob mismo ng kanyang bahay sa Vitas, Tondo madaling araw nitong Linggo, Enero 5, 2023.

Batay sa ulat ng pulisya, ang biktima ay tambay, residente ng Barangay 125, Balut sa Tondo, Maynila.

Isa umanong gunman at isa ang nagsilbing backup na kapwa armado ng baril ayon sa inisyal na imbestigasyon.

Ayon naman kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, pasado alas 5:25 ng madaling araw, nang maganap ang pamamaril sa biktima sa loob ng bahay ng biktima sa Tondo.

Batay sa mga nakasaksi, pinasok umano ang loob ng bahay ng biktima at saka ito pinaputukan ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Ang biktima ay pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya habang masusing iniimbestigahan kung ano ang motibo sa pananambang.

AUTHOR PROFILE