Jensi

Tambalang Jennylyn at Xian, kasado na

August 18, 2021 People's Tonight 401 views

Tuloy na tuloy na ang proyektong pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Xian Lim sa GMA Network.

Nakatakdang magsama ang dalawa sa upcoming Kapuso series na Love. Die. Repeat. sa ilalim ng direksyon ni Irene Villamor.

Sa latest Instagram post ni Jennylyn, ibinahagi ng aktres ang naganap na virtual story conference na dinaluhan ng ilang miyembro ng production and creative teams ng GMA Entertainment Group pati na rin ng kanilang co-stars.

Makakasama nina Jennylyn at Xian sa proyekto sina Gardo Versoza, Mike Tan, Kim Domingo, Samantha Lopez, Valerie Concepcion, Victor Anastacio at Lui Manansala.

Samantala, nagpahayag din ng excitement si Xian para sa kanyang first major GMA project sa ipinost niyang screenshot mula rin sa naganap na virtual story conference at pahapyaw ng script para sa Love. Die. Repeat. sa Instagram.

Noong baguhan pa lang si Xian sa showbiz ay nagkaroon siya ng ilang guest appearances sa drama anthology na Maynila.

AUTHOR PROFILE