Crimpoy

Tambalang ‘CrimPoy’, huli ang kiliti ng netizens

August 19, 2023 Ian F. Fariñas 227 views

TRAILER drop pa lang ng Kidnap for Romance, nahuli na agad ng bagong tambalang “CrimPoy” (Cristine Reyes at Empoy Marquez) ang interes at kiliti ng netizens dahil sa loob lamang ng walong oras, meron na itong dalawang milyong views.

First team-up nina Cristine at Empoy sa pelikula ang nasabing romance comedy na dinirek ni Victor Villanueva.

Sa reaksyon ng netizens, swak ang tambalan dahil talagang nakipagsabayan si Cristine sa comic timing at expertise ni Empoy.

Prediksyon pa ng ilan, mukhang mauulit ang malaking tagumpay ni Empoy sa box office na una ngang nakita nang magsama sila ni Alessandra de Rossi sa kakaibang romance drama film na Kita Kita a few years back.

Maging ang CrimPoy, excited sa pagsasama nila on screen.

Pag-amin ni Cristine, “Sobrang excited ako. Masayang katrabaho itong si Empoy. We worked together in a teleserye before (Kahit Isang Saglit). But this is our first film together. So when I learned that I would be working with Empoy, excited ako.”

Para naman daw siyang nananaginip nang malamang magtatambal sila ni Cristine, ani Empoy.

“Para sa akin, laru-laro pa rin ang pagkakataon. Thankful ako na binigyan ako ng Viva ng pagkakataon at nagkaroon sila ng tiwala ulit sa isang katulad ko.”

Iba raw ang tandem nila ni Alex, iba rin naman ang sa kanila ni Cristine.

“Kami ni Cristine, iba naman ang ipapakita namin dito sa Kidnap for Romance. Hindi naman ako na-pressure rito. Eksakto lang. Ang aim namin ay magpasaya ng tao.”

Kaya naman sobrang nag-enjoy daw si Cristine sa shooting nila ni Empoy.

Katunayan, paborito ng aktres ang paggawa ng comedy movies.

Dagdag pa niya, “Kahit na inaabot kami ng ala-tres sa shooting, puyatan at umaga na kami natatapos, energetic pa rin ang cast and crew. Very excited ako sa team-up namin ni Empoy. Pero parang ako lang ang excited, hahaha!”

“Gusto ko dito na lang muna sa General Patronage na may matututunan ang mga tao. Gumawa tayo ng something na makakabalik tayo sa community natin, makakapagpaligaya tayo at entertain, hindi lang bagay na walang kabuluhan.

“If we get good criticism after we make this movie, I’ll take that. If it’s negative criticism and comments, we will not allow that to enter our minds,” diin ng aktres.

Puring-puri rin niya ang kapareha dahil kagalang-galang ito sa set.

“Prim and proper siya at serious sa set. In real life, seryoso siya talaga. Si Empoy napakatotoong tao. What you see is what you get. Kahit pagod na pagod na siya, tuluy-tuloy pa rin sa work. Happy ako talaga to work with Empoy.”

Mapapanood na sa mga sinehan nationwide ang Kidnap for Romance ng Viva Films simula September 6.

AUTHOR PROFILE