Takot si Leni Robredo sa caravan challenge!

March 31, 2022 Marlon Purification 101 views

Marlon PurificationTAMA ang panawagan ni UniTeam senatorial bet Atty. Larry Gadon para magkaalaman talaga kung sino ang may pinakamaraming tagasuporta – si Bongbong Marcos ba o Leni Robredo!

Marami kasi ang kumuwestiyon sa mga ‘bloated numbers’ sa concert rally ni Leni. Una, hindi ito totoo totoong campaign rally, kundi isang music festival na kinatatampukan hindi lamang ng mga sikat na banda, kundi pati na rin ng mga artistang mula sa ABS-CBN.

Ika ba naman ang may banda na katulad ng Ben&Ben, Rivermaya, Color it Red, Tropical Depression at marami pang iba saka iba-ibang star ng ABS-CBN, tiyak dudumugin ito.

Pero kung walang ganitong artists si Leni, tiyak lalangawin ang political rally ni Robredo.

Sa Caloocan nga noong nagdaang Sabado, sinabi ni Caloocan City police chief Col. Samuel Mina na karamihan sa mga dumating sa concert rally ni Leni sa Norte Dame of Greater Manila school ay mga menor de edad.

Ibig sabihin hindi sila mga botante kaya hindi rin tiyak na iyong pupumunta sa pa-concert ni Leni ay mako-convert niya sa boto sa darating na May 9 kasi iyong iba nagpupunta dahil lamang sa banda at artista tapos ngayon karamihan pala ay mga menor de edad pa!

Kaya nga maraming magulang na rin ang nagpaplano ngayong magsampa ng class suit laban kay Robredo kasi pati ang mga anak nilang walang muwang ay kinakasangkapan pa sa pulitika.

Sinabi ni Gadon na paglabag sa Section 10a ng Republic Act 7610 o Child Abuse Law at Article 130-155 ng Presidential Decree 442 o Labor Code of the Philippines ang kakaharaping kaso ni Robredo, gayundin ang kanyang mga organizers at mga may-ari ng ibang eskuwelahan.

Ayon sa abogado, ang mga menor de edad na kabataan ay hindi dapat umalis sa bahay nang walang pahintulot ng magulang. Hindi rin sila dapat obligahin ng mga teachers at may-ari ng eskuwelahan na pumunta sa isang political rally dahil labag ito sa batas.

Ang laki ng sablay ni Leni rito dahil bilang isang opisyales ng pamahalaan, prayoridad nya dapat kaligtasan ng mga kabataan higit lalo ay mayroon pa rin tayong Covid, bukod pa sa banta ng seguridad. Lalo na’t may sinabi ang Pangulong Dutere na nagpaplano ang teroristang NPA na manggulo ngayong halalan.

Si Leni at ang mga NPA ay mayroong alyansa ngayon, base ito sa intelligence report mismo ng Pangulong Duterte at ni presidential bet Ping Lacson.

Sa pagiging ‘hibang’ para lamang palabasin na marami ang dumarating sa concert rally ni Robredo, dinadaya nila ito sa pamamagitan ng pag-bloat sa mga numero, nagbabayad ng tao, pag-photo shop at iyong iba ay dinaraya ang kuha sa pamamagitan ng pagkakaroon ng lobo at banderitas upang pag kuha ng drone shot ay mukhang marami ang ulo ng taong nasa ibaba o crowds.

Sa ganang akin, angkop ang #CaravanChallenge para makita rito kung sino talaga ang dinudumog talaga ng tao, tulad ng nakikita ngayon sa motorcade ni Marcos.

Ngayon, kaya ayaw pumatol nina Robredo rito kasi alam nila na lalangawin ang kanilang motorcade.