dingdong

Tagumpayng Pinoy, ipinagbunyi ng aktor

December 19, 2022 Ian F. Fariñas 106 views

IPINAGBUNYI ang AKTOR (League of Filipino Actors) ang tagumpay ng mga Filipinong artista sa teatro, pelikula at telebisyon kamakailan.

Sa isang pahayag na ipinost sa Instagram ng lider nitong si Dingdong Dantes, pinarangalan nila sina Dolly de Leon (ang unang artistang Pinoy na nominated sa Golden Globe Awards at nagwaging best supporting actress sa Los Angeles Film Critics Award); Jodi Sta Maria (best actress sa Asian Academy Creative Awards); Soliman Cruz (sa Romanian film na To the North); Chai Fonacier (sa Nocebo ng Amerika); at Stefanie Arianne (ng Japanese film na Plan 75).

Anang statement, “Ang mga tagumpay na ito ay karugtong ng mga naunang pagkilala sa mga artistang Filipino noon pa man — Charito Solis, Nora Aunor, Angeli Bayani, Jacklyn Jose, John Arcilla at iba pa.

“Tunay, ang mga Filipinong aktor ay kabilang sa pinakamahuhusay sa mundo at maituturing na yaman ng bansa.

“Mabuhay ang Filipinong Aktor!”

AUTHOR PROFILE