Tagumpay ni Carlos nababahiran ng usaping pampamilya
IPINAGBUBUNYI ng mga Filipino all over the world ang back-to-back gold win ng gymnast na si Carlos Yulo sa Paris Olympics 2024 making him the second Filipino to win the gold medal mula sa Paris Olympics 2020 next to Hidilyn Diaz nung 2020 Tokyo Summer Olympics. But Carlos makes a difference sa pagiging first-ever back-to back Olympics champion sa loob lamang ng dalawang magkasunod na araw (August 3 & 4, 2024).
Sa pagbabalik ng Pilipinas ni Carlos, he becomes a multi-millionaire na mukhang aabot ng P100-M ang mga cash incentives and in kind ang naghihintay sa kanya at kasama na rito ang isang house and lot, a fully-furnished condo unit in BGC, a brand new car, product endorsements, various business packages at iba pa.
Habang ipinagdiriwang ng mga Filipino at ng buong Pilipinas ang back-to-back gold win ni Carlos or Caloy ay saka naman umagaw ng attention sa victory ng Filipino multiple award-winning gympast ang kanyang inang si Angelica Yulo na sa halip na maging victorious at proud sa ipinamalas ng anak ay lumutang ang pagkakaroon nila nang hindi pagkakaunawaan ng anak dahil sa pera.
Matagal na palang may hidwaan ang mag-ina kung saan umano nakatanggap nang maanghang na salita ang atleta mula sa kanyang ina. Pero sa kabila nito ay lalong pinagbuti ni Caloy ang kanyang training bilang gymnast na nakasungkit na ng napakaraming medalya mula sa iba’t ibang kumpetisyon (local and international) since he was in his elementary grade.
Bilang multi-medalist, nakakatanggap si Caloy ng iba’t ibang cash allowances and incentives mula sa iba’t ibang ahensiya at ang mga ito ay napupunta sa bank account ni Caloy na hawak noon ng kanyang ina. Wala naman daw sanang problema sa nagwi-withrdraw ng kanyang ina sa kanyang bank account for as long as ipinaaalam ito sa kanya at kung saan ito napupunta at ginagamit.
Nang ma-discover ni Caloy ang ginagawa ng kanyang ina ay doon umano sila nagkaroon nang hindi pagkakaunawaan at saka siya nakatanggap nang hindi magagandang salita mula sa kanyang ina.
Sa simula pa lamang daw ng relasyon ni Caloy sa kanyang Melbourne, Australia-based girlfriend na si Chloe San Jose na isang content creator ay hindi na ito gusto ng kanyang ina kahit hindi pa umano nito nakikilala ang kasintahan. Pinagsuspetsahan pa umano ng kanyang ina ang kanyang girlfriend na inilalayo umano siya (Caloy) nito sa kanyang pamilya na agad namang pinabulaanan ng atleta.
Sa halip nga naman na maging victorious, proud and joyous ang kanyang ina sa karangalang naipamalas ni Caloy ay sumasapaw ang kanilang alitang mag-ina, bagay na hindi lamang ikinalulungkot mismo ni Caloy kundi ng buong sambayanang Filipino.
Pero sa kabila ng family issues na kinakaharap ngayon ni Caloy, sobra ang kanyang pasasalamat una sa Diyos, sa mga taong nagdasal para sa kanya, sa kanyang mga coach at sa lahat na naging daan ng kanyang pagkakasungkit ng maituturing na milagrong back-to-back gold win sa Paris Olympics 2024.
Tiyak na may naghihintay na hero’s welcome para kay Caloy sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas at ang pagkakataong makadaupang-palad ang Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na siyang unang nagpaabot ng pagbati sa multi-award winning athlete.
Samantala, bilang anak, sana si Caloy na mismo ang mag-reach out sa kanyang pamilya lalung-lalo na sa kanyang ina. Regardless kung ano ang ipinakita nito o naging trato sa kanya, isantabi na lamang niya ito at siya na mismo ang umayos ng gusot sa kanilang pagitan at isantabi na lamang niya ang kanyang tampo o sama ng loob sa kanyang ina and start a clean slate para mas magaan pa at tuloy-tuloy ang daloy sa kanya ng magagandang blessings.
Kung totoong matagal na niyang pinatawad ang kanyang ina sa mga ginawa nito sa kanya, siya na ang magpakumbaba at ibalik niya ang buo at masaya nilang pamilya.
Jaime maraming talento ang ibinahagi sa showbiz
KILALA ang veteran actor na si Jaime Fabregas bilang mahusay at award-winning actor pero ang hindi alam ng publiko na isa rin itong singer, composer, musician and award-winning musical scorer at host.
As early in his elementary grades until high school in Camarines Sur ay involved na sa acting in school si Jaime. Naging miyembro rin siya ng school choir at kinakitaan din siya ng hilig sa musika as early as when he was nine years old.
After high school at the Ateneo de Naga, he moved to Da la Salle Colle in Manila kung saan niya nakilala sina Peque Gallaga at Leo Martinez. He also started singing sa mga folk houses in Ermita, Manila bitbit ang kanyang gitara gifted to him by his father. Naging member din siya noon ng Repertory Philippines kung saan nagsimula ang stage and singing career ng Broadway star na si Lea Salonga.
Ang unang pelikula ni Jaime ay ang award-winning movie ni Eddie Romero nung 1976, ang “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon,” isang period drama film na pinagbidahan ni Christopher de Leon kasama sina Gloria Diaz, Eddie Garcia, Dranreb Belleza, Leopoldo Salcedo, Rosemarie Gil at iba pa kung saan gumanap si Jaime bilang isang komandante, isang high-ranking official ng Guardia Civil at kung saan kasama rin niya ang actor-director na si Peque Gallaga who played a Spanish officer. Ang nasabing simula ang naging entry point ni Jaime sa showbiz bilang actor at ang yumaong filmmaker na si Abbo de la Cruz naman ang nagbigay sa kanya ng break nung 1984 bilang isang musical scorer (kahit wala pa siyang experience) para sa pelikulang “Misteryo sa Tuwa” na tinampukan nina Ronnie Lazaro at ang ang mga yumaong actor sina Tony Santos (na isa ring TV director) at Johnny Delgado.
Kahit wala pang experience noon si Jaime sa pagigigng isang musical scorer, na-challenge umano siya at pinagbatayan na lamang niya ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng yumaong director na si Abbo. Hiningi naman niya ang tulong ng professional musical arranger and musical scorer, composer and producer na si Nonong Buencamino to do the arrangement for him.
“Malaki ang naitulong sa akin ni Nonong (Buencamino) in arranging my own compositions,” pagbabalik-tanaw ni Jaime na nagtuluy-tuloy na ang pagiging isang in-demand musical scorer bukod pa sa kanyang pagiging mahusay na actor.
So far, mahigit 200 movie scoring na ang ginawa ni Jaime at kasama na rito ang “Shake, Rattle & Roll,” “Private Show,” “Virgin Forest,” “Scorpio Nights 1 & 2,” “Ibulong Mo Sa Diyos,” “Taray en Teroy,” “Sa Kuko ang Agila,” “Escapo,” “Mumbaki,” “Tagos Sa Dugo,” maging ang mga pelikula noon ni FPJ tulad ng “Eseng ng Tondo,” “Isusumbong Kita sa Tatay Ko,” “Pakners,” “Ayos Na ang Kasunod” at iba pa.
Although he failed to finish his five-year course in Engineering, walang pinagsisihan si Jaime dahil pinasok niya ang mundo ng musika and acting na parehong malapit sa kanyang puso.
“Siguro, kung tinapos ko ang engineering course ko ay baka iba ang naging direksiyon ng buhay ko,” aniya.
It was the year 1985 nang magkainteres ang action and movie king na si Fernando Poe, Jr. na isama siya sa action movie na “Isa Isa Lang” na pinamahalaan ni Pablo Santiago, nung una ay kanya itong tinanggihan dahil role ng ama ng character actor na si Paquito Diaz ang kanyang gagampanan. Paquito was 12 years his senior kaya paano umano niya ito idya-justify?
Ipinarating ni Jaime ang kanyang concern kay FPJ pero two days later ay pinalikan siya ng production coordinator na siya raw talaga ang gaganap na ama ng character ni Paquito Diaz. Nagre-quest umano siya ng prostherics para magmukha siyang matanda pero pagdating ng araw ng shooting ay wala umanong prosthetics kundi pinaputi lamang ang kanyang buhok at nilagyan siya ng make up lines sa mukha to let him look old at wala na umano siyang nagawa kundi paghusayan na lamang ang kanyang acting. Since then ay naging paborito na siya ni FPJ hindi lamang bilang actor kundi bilang musical scorer ng kanyang mga pelikula na siya ang bida at producer.
Please watch my exclusive interview with Jaime Fabregas on “TicTALK with Aster Amoyo” on YouTube for more revelations from the award-winning actor and his life story.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.