Taguig pinuri ng WHO, nat’l gov’t sa epektibong vaccination rollout
PINURI ng pinuno ng WHO Philippine office at ng national government ang liderato ng Lungsod ng Taguig dahil sa mahusay nitong vaccination rollout ng mahigit 7,020 na bakuna na tinanggap ng Taguig mula sa Pfizer-BioNTech sa pamamagitan ng COVAX facility ng WHO.
Ang kauna-unahang Pfizer vaccination ay ginanap sa Taguig nitong nakaraang May 13, 2021 sa Lakeshore Mega Vaccination Hub sa lungsod.
Partikular na pinuri ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, head ng WHO Philippine Office ang ekstensibong at malawakang preapasyon ng lungsod upang maipatupad ng maayos ang naturang vaccination rollout.
Ikinagalak din ni Dr. Abeyasinghe ang pagkakaroon ng Taguig ng isang training center kung saan nagsanay ng wastong paghawak sa bakuna ang mga medical experts at medical practitioners.
Pinuri din nito ang mahusay na proseso na ipinatupad ng Taguig upang masiguro na masunod ang priority list ng national government sa vaccine rollout sa bansa. “Mr. Mayor, sincere thanks for your leadership,” ayon pa kay Dr. Abeyasinghe.
Nagpahayag din ng kanyang positibong opinyon si COVID-19 Response Chief Implementor and Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., kasabay ng pagpuri kay Mayor Lino Cayetano dahil sa mga makabagong hakbang nito para ipatupad ang vaccination rollout. “I would like to thank Mayor Lino. Alam ninyo ‘pag laging pumupunta kami dito, laging may bago,” pahayag ni Galvez.
Kamakailan ay inilunsad ng Taguig ang Park ‘N Test at vaccination bus na iikot sa lugar ng mga gustong magpabakuna na hindi kakayaning magpunta sa mga vaccination hubs ng lungsod. “We are encouraged by what we see. We are very happy to report that to our COVAX partners as we move towards mobilizing additional vaccines for the Philippines,” dagdag ni Dr. Abeyasinghe.
Kaugnay nito, hinikayat ni Dr. Abeyasinghe ang iba pang lungsod at bayan sa bansa na gayahin ang mga prosesong pinapatupad ng Taguig sa vaccination rollout. “It is commendable, and we salute your leadership and initiative. As we roll out the vaccines, we need local government ownership. We need a partnership with key partners on the ground. So let us all come together, cooperate and work together to ensure that the people of Taguig and the people of the Philippines are protected, and we can heal as one in this nation,” ayon kay Dr. Abeyasinghe.
Tiniyak naman ni Mayor Cayetano na sisiguruhin nila ang pangangalaga sa bakuna upang ligtas at mabilis itong maiturok sa mga residente. “We will try to reach every corner of our city.
“For the part of the LGU in the National Capital Region, the cities are ready whether it’s Pfizer with certain cold storage handling particularities or Gamaleya or AstraZeneca or the other various vaccines that we receive through the COVAX facility,” ani Cayetano.
Ang symbolic Pfizer vaccination sa Taguig ay dinaluhan nina Testing Czar Secretary Vince Dizon, Health Assistant Secretary Elmer Punzalan, Metro Manila Centers for Health Development Director Gloria Balboa, representatives mula sa United Nations International Children’s Fund (UNICEF), at representatives mula sa United States Agency for International Development (USAID).
Ang mahigit 193,000 na vials ng Pfizer vaccine ay dumating sa bansa noong May 10,2021. Ito ang pang-apat na bakuna na dumating sa bansa laban sa COVID-19 kasunod ng Sinovac, Astra Zeneca at Gamaleya.