Posas

‘Tagahimas’ sa manukan himas rehas dahil sa 17 bilang ng rape

November 2, 2024 Jojo C. Magsombol 87 views

ARESTADO ang isang poultry farm worker na wanted sa 17 counts ng panggagahasa sa Lobo, Batangas noong Biyernes, ayon kay Batangas police director P/Col. Jacinto Malinao Jr.

Nahuli ang akusadong si alyas Leo, 55, ng Brgy. Calitcalit, San Juan, Batangas bandang alas-9:00 ng umaga.

Natiklo ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Executive Judge Rosemarie Manalang-Austria ng Regional Trial Court (RTC), Branch 87, Rosario, Batangas para sa 17 counts ng panggagahasa sa 16-anyos na biktima noong Agosto 23, 2024.

Dahil sa bigat ng kaso, walang inirekomendang piyansa para sa akusado.

“Ang operasyon na ito ay sumasalamin sa aming pangako na tiyakin na ang mga indibidwal na nahaharap sa mga mabigat na kaso mananagot sa kanilang mga kaso,” sabi ni P/BGen. Paul Kenneth Lucas, Regional Director ng CALABARZON police.

AUTHOR PROFILE