Xian

Taga-GMA, excited sa paglipat ni Xian

June 25, 2021 People's Tonight 562 views

KAPUSO artist na rin ba ang Kapamilya star na si Xian Lim? Pinost ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram kahapon ang tungkol sa pagtalon ni Xian sa GMA.

Dagdag pa ni Manay Lolit, si Jennylyn Mercado ang makapareha ni Xian sa unang project nito sa GMA.

Sinilip namin ang IG account ni Xian kung may post siya kaugnay ng balita.

Waley! Wala rin kaming nakita post tungkol dito ang girlfriend niyang si Kim Chui.

Nagtanong kami sa isang kaibigan sa GMA. Hindi niya kinumpirma ang balita. Basta ang sabi lang niya, “Exciting!”

Sa isa naming nakuhanan ng balita, next week daw ang official announcement tungkol kay Xian.

Abangers na lang tayo sa anunsiyo ng Kapuso Network.

BATANG MADRASTA

BIGGEST break ng Kapuso actress na si Angela Alarcon ang appearance niya tonight sa fresh episode ng Magpakailanman.

Gaganap si Angela sa episode na Batang Madrasta.

Magkakagusto at mabubuntis siya ng isang lalaking may asawa at dalawang anak.

‘Yun nga lang, malaki ang agwat nila ng edad ng lalaki.

Makakasama ni Angela sa episode sina Prince Clemente, Erin Ocampo at Jenine Desiderio.

‘THE CLASH,’ FINALIST SA NY FILM AND TV FESTIVAL

FINALIST sa New York Film and TV Festival ang singing competition ng GMA na The Clash sa Entertainment Program Variety category.

Todo naman ang pasasalamat ni Ai-Ai de las Alas, isa sa judges ng The Clash.

“TO GOD BE THE GLORY!” caption ni Ai-Ai sa Instagram post.

Ongoing na ang audition para sa Season 4 ng The Clash kaya join na kayo. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE