Ateneo

Taekwondo four-peat na-kumpleto ng NU

December 16, 2022 Theodore P. Jurado 219 views

NAKUMPLETO ng National University ang four-peat sa men’s division, habang nabawi naman ng University of Santo Tomas ang trono sa women’s side ng UAAP taekwondo tournament kahapon sa Blue Eagle Gym.

Sa pamamagitan nina Olympian Kurt Barbosa at Season 82 MVP Sturdy Jay Gilbuena, pinatumba ng Bulldogs ang Growling Tigers, 4-3, upang makumpleto ang 5-0 sweep.

Sa pangunguna nina Jasmine Ramirez at Realis Tabiando, winakasan naman ng UST ang apat na taong pamamayagpag ng NU sa pamamagitang ng 6-1 tagumpay.

Nakamit ng Tigresses, na nagtala rin ng 5-0 kartada sa season, ang record 13th crown.

Sina Barbosa at UST’s Laila Delo, ang 31st Southeast Asian Games bronze medalist, ay tinanghal na men’s at women’s MVPs.

Tumapos ang Growling Tigers at Lady Bulldogs na runner-up sa kani-kanilang divisions na may 4-1 records.

Samantala, tumapos naman ang La Salle, sa pangatlo sa parehong divisions.

Naunang nanalo ang NU ng poomsae championship, ang una ng koponan, habang nagtala naman ang UST ng four-peat sa high school division.

AUTHOR PROFILE

Other Sports

SHOW ALL

Calendar