
Taal bumuga ng makapal na usok, public inalerto
INALERTO ng mga otoridad ang publiko matapos itaas sa ‘Alert Level 2” ang Taal Volcano, ayon sa Philippine Institute o Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa agency sa nakalipas na 24 oras, ang Taal Volcano ay nakapagtala ng 107 volcanic earthquakes kabilang ang 100 volcanic tremors na tumagal ng dalawa hanggang 30 minute, 6 na low-frequency volcanic earthquakes, 1 hybrid event at low-level background tremor simula noong July 7, 2021.
Paliwanag pa ng agency, may naganap na upwelling ng mainit na volcanic gas sa lawa ng Main Cater na lumikha ng plume na mas mataas ng 3,000 meter bags mapadpad sa kalakhang hilaga.
Ayon pa sa Phivolcs, ang pagbuga ng sulfur dioxide (SO2) ay humigit-kumulang 3,849 tonelada kada araw noong August 2, 2021.
Ang sukat ng ground deformation ng bulkan gamit ang electronic tilt, continuous GPS at InSAR monitoring ay nakakapagtala ng marahang pag-impis ng Taal Volcano Island simula noong Abril 2021, samantalang ang kalakhang Taal ay nakakaranas ng marahang paglawak simula noong 2020, saad ng agency.
Pinaaalalahanan ng Phivolcs ang madla na sa Alert Level 2, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island (TVI).
Maigting na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang Permanent Danger Zone (PDZ) ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure, at ang paninirahan at pamamangka sa lawa ng Taal.
Ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan ay hinihikayat na patuloy na suriin at pagtibayin ang kahandaan ng mga dati nang nilikas na barangay sa paligid ng Lawa ng Taal kung sakali mang magkaroon ng panibagong pag-aalburoto ang bulkan.