Maine2

Sylvia kay Maine: Tara na! Mag YES, I Do ka na para selyado na

July 27, 2023 Vinia Vivar 231 views

With Arjo Atayde and Maine Mendoza’s forthcoming wedding, wala na yatang pinakamasayang ina ngayon kundi ang nanay ng groom na si Sylvia Sanchez.

Lately nga ay sunud-sunod ang posts ni Ibyang sa kanyang social media account tungkol sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng anak niya at mukhang mas excited pa siya kesa sa mismong ikakasal.

A few days ago ay binigyan niya ng bridal shower ang mamanunganging si Maine at sey nga niya sa kanyang Instagram post, “can’t wait for the Big Day.”

Ngayong araw ay may post na naman si Ibyang at inihayag kung gaano siya kasaya bilang future biyenan ni Maine.

Nagbigay din siya ng napaka-touching na mensahe para sa kanyang daughter-in-law to be.

“Ito ang isa sa mga dasal ko bilang INA na makasundo ng Pamilya ang mapapangasawa ng mga anak ko. Masaya ako at nagpapasalamat dahil ibinigay ng DIYOS ang panalangin kong ito🙏🙏🙏

“Matagal na kitang minahal at itinuring na isang tunay na anak mula ng minahal mo ang anak kong si Arjo @mainedcm ❤️,” mensahe ni Ibyang kay Maine.

Nangako rin ang aktres na mamahalin niyang parang tunay na anak si Maine kagaya rin ng ginawang pagtanggap sa kanya ng kanyang mga biyenan.

“Ngayon, hayaan mo naman akong iparamdam sayo ng buong buo ang pagmamahal at pagtanggap sayo bilang isang tunay na anak, gaya ng ipinaramdam sa akin ng mga biyenan ko,” ani Ibyang.

“Tara na! Mag YES, I Do ka na para selyado na 😁😄😃

Love you Menggay,” hirit pang mensahe ng magaling na aktres.

Sagot naman ni Maine, “Waaaaah love you tita! Thank you so much for everything.”

Although hanggang ngayon ay hindi inire-reveal nina Arjo at Maine ang wedding date, ang balita ay bukas (July 28) na ang kasal na gaganapin sa Baguio.

May isang netizen nga na nag-comment na sana ay hindi ulanin ang garden wedding.

“Sana ma araw bukas sa Baguio para tuloy ang garden wedding 🤞 hoping and praying.Best wishes and congratulations,” sey ng netizen.

AUTHOR PROFILE