Lizaice

Sylvia, Ice at Liza, walang iwanan

January 2, 2023 Ian F. Fariñas 228 views

Sylvia

MAGKASANGGA ngayon ang matagal nang magkaibigang Sylvia Sanchez at Ice Seguerra sa muling pagpapasigla sa live events scene na isa sa mga labis na naapektuhan ng Covid-19 pandemic.

Sa unang quarter ng 2023, ratsada ang produksyon nina Sylvia, Ice at Liza Diño-Seguerra (Nathan Studios at Fire and Ice Media Productions, respectively) sa pagpu-produce ng concerts.

Una na nga rito ang Divine Divas: The Ultimate Drag Experience na tatampukan ng Drag Race PH winner na si Precious Paula Nicole at drag superstars na sina Brigiding at Viñas de Luxe.

Gaganapin ang pre-Valentine extravaganza sa February 10 sa New Frontier Theater.

Susundan agad ito ng Cebu leg ng highly successful 35th anniversary concert ni Ice na Becoming Ice na idaraos naman sa February 18 sa Waterfront, Cebu.

“Matagal na kaming magkakilala ni Ice. Bata pa ‘yan, magkalaban na kami sa firing. ‘Yun ‘yung istorya naming dalawa na everytime na kalaban ko siya, hindi ako nagwawagi. Lagi lang akong pangalawa sa kanya, lagi siyang champion. So mula noon, sabi ko makakasama ko rin ‘to… hanggang sa naging anak ko siya sa Be Careful with My Heart. Ayun, ‘yung friendship na ‘yon, naging solid sa Be Careful…, naging anak ko siya du’n and mula noon hanggang ngayon, hindi na kami naghiwalay.

“Nagtulungan kami sa isa’t isa with Liza. So ‘yun, sobra kong mahal ang dalawang ‘yan. Kahit anong mangyari, hindi kami mag-iiwanan. Usapan namin ni Ice saka ni Liza, may tampuhan ang magkakaibigan, normal ‘yan, pero magsabihan para hindi lumaki at hindi maghiwalay. Kaya ito ‘yung nabuo ng friendship,” paliwanag ni Sylvia sa ginanap na year-end thanksgiving party/mediacon ng Fire and Ice at Nathan Studios para sa kanilang upcoming shows.

AUTHOR PROFILE