Sweet pack
ABOT langit ang tamis ng ngiti ng kanyang male fans nang ipasilip ng Vivamax bombshell na si Jenn Rosa ang tila “matatamis” na bahagi ng kanyang sexy body.
Hindi nga lang hotness ang taglay ng sexy actress, pagdating sa patamisan ng laman, yakang-yaka niya ring sumabay.
Hobby na ata ng hot star na paligayahin ang mga kalalakihan. Sa bago niyang Instagram post, ngiting panalo na naman ang mga kelot.
Mapapanood sa video ang “to the highest level” na rapsang sweetness ni Jenn habang todo-awra sa harap ng camera suot-suot ang pink two-piece bikini.
“You’re too sweet for me,” hirit niya sa caption ng post.
Bumulaga ang bilugan at juicy na wetpaks ni Jenn na halos guhit na lang ang tumatakip. Halatang sagana sa pampagana ang kanyang karisma, kaya nga ang mga kelot ay palaging napapa “vitamin J” dahil sa kanya.
Bidang-bida rin ang singit ng Vivamax actress. Nakaabang na nga ang mga kalahi ni Adan para masilayan ang hiwa ng langit ng isang Eba.
Muli na namang nalunod sa heart at fire emojis ang latest post ng sexy star. Talagang sabik sumisid sa mundo ng kanilang pantasya ang mga kalalakihan nang masilayan ang hubog niya.
Sey nga ng ilan sa comment section: “Grabe ka gurrrlll!!!”, “Bakit ka ganyan idol, anong ginawa namin kasalanan bakit mo pinapasakit puson namin?”, “Solid talaga”, “Lakas maka palpitate”, at “Uwian na may winner na.”
Bukod sa mga bagong proyekto, nakilala si Jenn sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Hibang (2023), Araro (2023) at Bisyo! (2023).