Default Thumbnail

Suspek tiklo sa P200K shabu sa Laguna buy-bust

March 28, 2023 Gil Aman 269 views

KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL – Arestado ang isang lalaki kabilang sa “street-level individual” (SLI) sa iligal na droga sa isang buy-bust operation, Martes ng madaling araw sa Sta. Cruz, Laguna.

Ayon kay Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office (PPO), ang suspek ay residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ni P/Maj. Gabriel A. Unay, hepe ng Sta. Cruz police, ikinasa ang operasyon laban sa suspek alas-4:45 ng umaga sa Bgy. Gatid, Sta. Cruz, Laguna at naaresto ang supek matapos magbenta ng shabu sa undercover na operatiba.

Nabawi ng mga awtoridad sa suspek ang limang plastic sachets ng shabu na tumitimbang ng 29 gramo at may halagang P200,000, pouch na may salapi, isang Honda City na kotse, at markadong salapi.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Santa Cruz police ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang suspek sa kasong Republic Act (RA) 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Ayon sa pahayag ni Silvio, “Hindi po titigil ang Laguna PNP (Philippine National Police) sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra droga laban sa mga gumagamit o nagbebenta ng pinagbabawal na gamot, maging ito man ay naglilingkod sa ating lalawigan.”

AUTHOR PROFILE