Default Thumbnail

Suspek sa sugal ‘natalo’ kay Kamatayan sa kulungan

January 4, 2023 Edd Reyes 221 views

BINAWIAN ng buhay ang 45-anyos na ginang matapos makaranas ng paninikip ng dibdib habang nakadetine sa Custodial Facility ng Navotas Police Station Martes ng hapon.

Isinugod pa sa Navotas City Hospital ang biktima na itinago na lamang sa alyas “Jane” subalit idineklara ng patay pagsapit sa naturang pagamutan.

Napag-alaman sa ulat ni P/Cpl. Florencio Nalus na una ng isinugod sa naturang pagamutan ang ginang noong Disyembre 26 at Disyembre 31 matapos makaranas ng paninikip ng dibdib subalit pinayagan na muling makabalik sa pasilidad matapos malapatan ng lunas.

Lumabas sa rekord na sinumpong ng sakit sa hika at dumaranas ng paghina ng baga ang ginang kaya’t ibinukod siya at hiniwalay sa iba pang mga persons under protective custody (PUPC).

Napagalaman din na nahaharap sa kasong paglabag sa P.D. 1602 ang ginang, pati na ang kanyang 49-anyos na live-in partner, matapos silang madakip sa isang anti-illlegal gambling operation na ikinasa ng mga tauhan ng Navotasa police.

Nabigong makapaglagak ng kaukulang piyansa ang dalawa kaya’t nanatili sila sa loob ng Custodial Facility habang kinakaharap ang kasong isinampa laban sa kanila sa hukuman.

Aminado naman ang kinakasama ng ginang na dumaranas nga ng matinding hika ang ka-live habang sa rekord ng naturang pagamutan, atake sa puso ang naging sanhi ng kanyang kamatayan.

AUTHOR PROFILE