Ang natiklong suspek sa robbery-snatching sa Sta. Ana, Manila.
Suspek sa snatching, nakaw huli sa Sta. Ana
HULI sa mga operatiba ng Warrant and Intelligence Section ng Manila Police District-Pandacan Police Station 10 ang lalaki dahil sa kasong robbery-snatching sa Brgy. 866, Zone 95, Sta. Ana, Manila noong Miyerkules.
Nahaharap ang suspek na si alyas John Mark sa kasong robbery-snatching, ayon sa mga pulis.
Nahuli siya bandang alas-2:20 ng hapon sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Thelma Bunyi Medina, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 32 ng Manila.