Kulong

Suspek sa rape tiklo sa Pampanga

December 12, 2023 Jonjon Reyes 478 views

INARESTO ng mga operatiba ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District ang isang suspek sa panggagahasa noong Lunes sa Brgy. San Jose Gumi, Lubao, Pampanga.

Kinilala ni Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng District Investigation Division (DID) ng MPD, ang suspek na si alyas Michael, ng San Jose Gumi, Lubao, Pampanga.

Base sa ulat ni Police Major Jervies Soriano, hepe ng DPIOU, bandang alas-3:30 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa bahay na tinuluyan niya.

Natimbog ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Princess Ma. Bajarias-Hermogeno, acting Presiding Judge ng Family Court Branch 6 ng Maynila.

Walang inirekomendang piyansa sa suspek kapalit ng pansamantalang kalayaan.

AUTHOR PROFILE