Kulong File photo

Suspek sa panghahalay laglag sa mga parak

June 13, 2024 Edd Reyes 240 views

LAGLAG sa kamay ng batas ang lalaking suspek sa panghahalay nang matunton ng mga pulis sa Valenzuela City.

Natiklo ng mga tauhan ni Valenzuela police officer-in-charge (OIC) P/Col. Nixon Cayaban ang 23-anyos na akusadong si alyas Boy Manyak matapos inguso ng informant ang kanyang bahay sa Acacia St. Meyland Phase 5, Brgy. Lingunan.

Ayon kay Col. Cayaban, hinuli ang akusado bunga ng mga kinakaharap na kasong may kaugnayan sa panghahalay at iba pang kalaswaan na ginawa sa kanyang menor-de-edad na biktima.

Dakong alas-5:10 ng hapon ng lusubin ng mga pulis, kasama ang mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station, ang bahay ng suspek.

Hindi na nakapalag ang akusado nang isilbi sa kanya ng mga tauhan ni Col. Cayaban ang warrant of arrest na galing kay Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng Branch 16 para sa mga kasong Rape, Rape with Sexual Assault, Acts of Lasciviousness at paglabag sa R.A. 7610 o Child Abuse.

AUTHOR PROFILE