Posas

Suspek sa panghahalay, child abuse tiklo sa Laguna

July 25, 2023 Gil Aman 103 views

KAMPO Heneral Paciano Rizal–Dalawang tinaguriang wanted persons ang naaresto ng pulisya sa manhunt operation sa San Pedro at Calamba City, Laguna noong Lunes.

Kinilala ni Laguna Police Provincial Director Police Colonel Harold Depositar ang mga naaresto na sina alias Richard ng San Pedro City at alias Jessie ng Calamba City.

Naaresto si Richard bandang 7:30 ng gabi sa Bgy. Sto. Nino, San Pedro City sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 63 sa Calauag, Quezon sa kasong panghahalay.

Arestado naman ang isa pang suspek ganap na 3:00 ng hapon sa Bgy. Sampiruhan, San Pedro City sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 7610 o child abuse.

Ayon sa pulisya, “patuloy ang ating pagtugis sa mga akusadong patuloy na nagtatago sa loob o labas man ng probinsiya upang mabigyang hustisya ang kanilang naging biktima at nang hindi sila makapag biktima pa ng iba.”

AUTHOR PROFILE