Suspek sa pagpatay ng abogado sa US arestado
Matapos ang 8 taon
NAARESTO kamakailan sa Tepic, Mexico ang suspek sa pagpatay sa abogado walong taon na ang nakalilipas.
Suspek ang natimbog na John Panaligan, 57, sa pagpatay sa abogado na si Victor Jigar Patel, 36, sa kanyang opisina sa Northbrook, Illinois noong Disyembre 7, 2016, ayon sa US Marshals Service.
Ayon sa report, sinakal hanggang sa mapatay ng suspek ang abogado.
Ipinatapon pabalik sa US noong Martes si Panaligan, ayon sa report.
Kinakatawan ni Patel ang mga kliyenteng naghahabol kay Panaligan sa korte sibil, ayon sa balita.
“Umaasa ako na ang pag-aresto na ito magdudulot ng kaginhawahan sa pamilya Patel at magsisilbing paalala sa mga pugante mula sa hustisya na walang lugar upang itago,” sabi ni Marshals Service Director Ronald Davis.