Posas

Suspek sa pagpatay nasilo sa mall

November 20, 2023 Jonjon Reyes 99 views

ARESTADO ang isang suspek sa kasong attempted murder sa parking area ng SM Manila noong Lunes.

Nakilala ang suspek na si alyas Dong ng J. Marzan St., Sampaloc, Manila.

Ayon kay Police Lieutenant Celso Sorita Jr. sa report kay Police Major Rommel Reyes Purisima, hepe ng District Intelligence Division ll ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), naaresto ang suspek bandang alas-10:30 ng umaga.

Natiklo ang suspek sa pangunguna ni Police Executive Master Sergeant Dedimo Alviar.

AUTHOR PROFILE