Suspek sa pagpatay arestado sa Lipa City
ARESTADO ng mga otoridad ang isang akusado sa kasong pagpatay sa Barangay 1, Lipa City, Batangas noong Huwebes.
Naaresto ang akusado na si alyas Erlinda sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 85, Lipa City, Batangas.
Ayon sa report, inaresto ang suspek dahil sa hindi pagharap sa pagdinig para sa kasong pagpatay na isinampa laban sa kanya.
Ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng konstitusyon sa wikang alam at naiintindihan niya bago dinala sa Lipa police para sa tamang disposisyon.