
Suspek sa pagnanakaw huli sa MinOr
ARESTADO ang isang 22-anyos na lalaki ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil sa pagnanakaw sa Socorro, Mindoro Oriental noong Biyernes.
Nahuli ang suspek na si alyas Mark Jhon ng Brgy. Batong Dalig, Socorro, Oriental Mindoro.
Bandang alas-2:08 ng hapon namataan ang suspek na nasabing lugar kaya pumunta ang mga operatiba ng Warrant Intelligence Section ng MPD.
Nahuli ang suspek dahil sa arrest warrant na inisyu ni Judge Cynara Hannah Lacdo-O Cayton, Presiding Judge ng Regional Trial Court National Capital Region Branch 8 ng Manila.
Nagrekomenda ng P100,000 na piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.