WHAT'S NEW

SEE ALL
Kulong

Suspek sa pagmamaltrato arestado

September 9, 2023 Jojo C. Magsombol 329 views

KAMPO BRIG. HENERAL VICENTE LIM, Canlubang, Laguna–Sa selda ang bagsak ng isang suspek sa pagmamaltrato matapos mahuli ng mga otoridad sa Barangay San Isidro Sur, Santo Tomas City, Batangas, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang suspek na isang 44-anyos na tubong Alcala, Pangasinan at kasalukuyang naninirahan sa Barangay San Pedro, Sto. Tomas City, Batangas.

Inaresto ang suspek dakong alas-5:10 ng hapon ng pinagsamang pwersa ng Santo Tomas City, Batangas Maritime Police Station at Special Operations Unit 3 Maritime base sa warrant of arrest sa paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children.

AUTHOR PROFILE