
Suspek sa homicide nahuli sa Tondo
NAARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District-Moriones Police Station 2 ang isang lalaki dahil sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sa Bldg. 28, Permanent Housing Balut, Brgy. 128 Tondo, Manila noong Biyernes.
Bandang alas-9:45 ng umaga ng damputin ang suspek na si alyas Vince ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section, sa pangunguna ni P/Capt. Genesis Aliling.