
Suspek sa bigong pagpatay nakuhanan ng boga, patalim
ARESTADO ang 43-anyos na lalaki dahil sa tangkang pagpatay at nakuhanan pa ng baril at patalim sa kanyang bahay noong Miyerkules sa Taguig City.
Tiklo si alyas Mamil, tubong Saudi Arabia, nang salakayin sa bisa ng search warrant ng mga tauhan ni Taguig police chief P/Col. Christopher Olazo sa Blk. 142, Lot 1, Maharlika Road, Upper Bicutan, dakong alas-3:40 ng hapon.
Iniulat ni Col. Olazo kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Leon Victor Rosete ang pagkakakumpiska nina P/Maj. Roberto Magusib, commander ng Police Sub-Station 7, na naghain ng search warrant, sa isang kalibre .38 revolver, anim na bala at butcher knife sa suspek.