Hidalgo

Suspek sa bigong pagpatay buking dahil walang helmet

September 9, 2023 Bernard Galang 247 views

CAMP Olivas, City of San Fernando, Pampanga –Naaresto ng mga pulis noong Biyernes sa Central Luzon ang isang pugante sa checkpoint ng PNP-COMELEC sa Aurora.

Sa report kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Si Gen. Jose Hidalgo Jr., nahuli si Eleuterio Arriola nang harangin ng mga pulis na tumatao sa checkpoint sa Dingalan, Aurora dahil walang helmet habang nagmamaneho ng walang plakang motorsiklo.

Nang i-check sa record, nalaman ng pulisya na may standing warrant of arrest su Arriola dahil sa attempted murder.

Natimbog naman ang ikalawang suspek sa krimen na si Nazer Lozano dahil sa estafa.

Dumaan sa checkpoint si Lozano kung saan nakilala siya ng isang pulis.

Naglagay ng mga checkpoint simula noong Agosto 28 ang PNP at Comelec kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

“Napatunayang epektibo ang mga checkpoint na ito sa pagpapatupad ng batas laban sa kriminalidad sa mga nakaraang taon. Pinupuri ko ang ating mga tropa sa kanilang kahanga-hangang pagganap sa kanilang mga tungkulin,” ani Hidalgo.

AUTHOR PROFILE